Pinaghahanda ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang National Capital Region (NCR) sa posibleng pagdagsa ng mga evacuees mula sa Region 4-A.
Ito’y sa gitna ng patuloy na pag-aalburoto ng bulkang Taal.
Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, dapat ay magpulong na ang mga barangay officials para mapaghandaan ang pagtanggap sa mga lilikas mula sa mga apektadong lugar ng pagputok ng bulkang Taal.
Nakipag ugnayan na rin aniya ang DILG sa mga Metro Manila LGUs para sa gagamiting sasakyan, breathing apparatus, at water purifiers para sa gagawing paglikas.
Sa ngayon umano ay mahigpit niyang tinututukan ang presensya ng mga lokal na opisyal partikular ng mga alkalde at gobernador sa mga apektadong lugar.