Inihayag ng OCTA Research Group na posibleng makamit ng National Capital Region ang population protection sa Setyembre o Oktubre kung patuloy na magiging prayoridad ang NCR plus 8 sa pagbabakuna kontra COVID-19.
Una nang hinimok ng OCTA ang gobyerno na iprayoridad ang NCR Plus 8 sa harap ng limitadong suplay ng bakuna.
Kabilang sa NCR Plus 8 ang Metro Manila, Metro Cebu, Metro Davao, Bulacan, Batangas, Cavite, Laguna, Pampanga, at Rizal.
Ayon kay OCTA Research Fellow Professor Ranjit Rye, 10% pa lamang ng mga residente sa NCR ang fully vaccinated na.
Target ng pamahalaan na mabakunahan ang 70% ng populasyon sa 2021 para makamit ang herd immunity. —sa panulat ni Hyacinth Ludivico