Hindi pa napapanahon para isailalim ang NCR plus sa modified general community quarantine (MGCQ).
Ito ang sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque kaugnay sa usap-usapang posibleng pagluwag ng quarantine restrictions sa metro manila at iba pang karatig lalawigan.
Ayon kay roque, malabo pang luwagan ang quarantine restrictions sa NCR plus sa halip ay isasailalim ito sa “ordinary” GCQ simula sa Hunyo 16.
Sa ngayon ay umiiral ang gcq “with restrictions” sa NCR plus at magtatapos hanggang bukas, Hunyo 15.
Paliwanag ni Roque, mataas pa rin ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa at hindi pa rin nakakabalik sa dating numero bago pumasok ang mga bagong variants ng virus.
Bago napasok ang Pilipinas ng mga new COVID-19 variant, pumapalo lamang sa 1,000 ang COVID-19 cases kada araw.