Isinailalim na ni Pangulong Rodrigo Duterte sa general community quarantine (GCQ) ‘with restrictions’ ang National Capital Region at kalapit nitong mga lalawigan simula ika-1 ng Hunyo.
Sa mensahe sa bayan ni Pangulong Duterte, mananatili sa GCQ ‘with restrictions’ ang Metro Manila, Bulacan, Rizal, Laguna at Cavite mula ika-1 hanggang ika-15ng Hunyo ng kasalukuyang taon.
Bukod sa mga naturang lugar, iiral din ang GCQ sa kaparehong petsa sa mga sumusunod na lugar:
- Baguio City
- Kalinga
- Mountain Province
- Abra
- Isabela
- Nueva Vizcaya
- Quirino
- Batangas
- Quezon
- Iligan City
- Davao City
- Lanao del Sur
- Cotabato City
Isinailalim naman sa mas mahigpit na quarantine classification na modified enhanced community quarantine (MECQ) mula ika-1 hanggang ika-15 ng Hunyo ng kasalukuyang taon ang mga sumusunod na lugar:
- City of Santiago, Cagayan
- Apayao
- Benguet
- Ifugao
- Puerto Princesa City
- Iloilo City
- Zamboanga City
- Zamboanga Sibugay
- Zamboanga del Sur
- Zamboanga del Norte
- Cagayan de Oro City
- Butuan City
- Agusan del Sur
BREAKING: Metro Manila, Rizal, Cavite, Bulacan, Laguna, mananatiling nakasailalim sa general community quarantine (GCQ) ‘with restrictions’ sa buong buwan ng Hunyo, ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte https://t.co/HHOy7zaafm pic.twitter.com/HteHLQdrJw
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) May 31, 2021
Samantala, iiral naman ang modified GCQ sa nalalabing bahagi ng bansa.