Ibababa na sa modified enhanced community quarantine (MECQ) ang paghihigpit sa NCR Plus.
Sa isang pahayag, sinabi ni Presidential Spokesperson, Secretary Harry Roque na batay sa rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force (IATF), inaprubahan ng pangulo na isailalim na sa MECQ ang NCR Plus simula bukas, 12 ng Abril, hanggang 30 ng Abril.
Bukod sa NCR Plus, sasailalim din sa MECQ ang Santiago City sa Isabela, Quirino Province, maging ang Abra.
Isasailalim naman sa general community quarantine (GCQ) ang CAR; Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya; Batangas; Tacloban City; Iligan City; Davao City; Lanao Del Sur; at Quezon.
Habang ang nalalabing mga lugar sa bansa ay isasailalim sa modified general community quarantine (MGCQ).