Inanunsiyo ni Pangulong Rodrigo Duterte na palalawigin pa ang quarantine classification sa ilang lalawigan sa bansa hanggang sa ika-30 ng Hunyo.
Ito’y dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Sinabi ni Pangulong Duterte sa kanyang ulat sa bayan kagabi, na ang Metro Manila at Bulacan ay isasailalim sa general community quarantine “with some restrictions” simula bukas hanggang ika-30 ng Hunyo.
Habang ang Rizal, Laguna at Cavite ay isasailalim sa GCQ “with heightened restrictions” hanggang sa katapusan ng buwan.
Kabilang naman sa ilalim ng modified enhanced community quarantine ay ang mga lugar ng mga sumusunod:
Santiago, Cagayan, Apayao, Ifugao, Bataan, Lucena, Puerto Princesa, Naga, Iloilo City, Iloilo Province, Negros Oriental, Zamboanga City, Zamboanga Sibugay, Zamboanga Del Sur, Zamboanga Del Norte, Cagayan De Oro, Davao City, Butuan City, Agusan Del Sur, Dinagat Islands , Surigao Del Sur.
Kabilang rin ang mga lugar na ito sa general community quarantine.
CAR, Region 2, Batangas, Quezon, Iligan City, Davao Del Norte, General Santos City, Sultan Kuradat, Sarangani, Cotabato, South Cotabato, Lanao Del Sur, Cotabato City.
Samantala, ang mga nattitirang bahagi naman ng bansa ay isasailalim sa modified general community quarantine.