Inihayag ng Department of Health (DOH) na maaaring isailalim sa alert level 1 ang NCR at iba pang lugar sa bansa sa mga susunod na linggo dahil sa patuloy na pagbaba ng kaso ng COVID-19.
Inilabas ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire ang pahayag isang araw matapos sabihin na nalampasan ng bansa ang pinakamalalang pag-atake ng virus sa loob ng dalawang taon na dulot ng Omicron variant.
Dadag ng opisyal, na ang vaccination rate ay isa rin sa mga pangunahing salik sa pagtukoy kung ang isang lugar ay maaari na ngayong makapasok sa alert level 1.
Samantala, binigyang diin ni Vergeire, na dapat magkaroon ng sapat na proteksyon sa pamamagitan ng pagbabakuna para magkaroon ng kumpiyansa na kapag binababa ang alert level hindi magiging mabilis ang transmission ng virus. —sa panulat ni Kim Gomez