Posibleng isailalim na sa Modified Enhanced Quarantine o MECQ ang Metro Manila sa susunod na linggo ayon sa OCTA research group.
Sinabi ni Prof. Guido David ng OCTA, kinakitaan ng pagbagal ang reproduction rate ng virus sa National Capital Region.
Inaasahan aniyang babagal ito ng 1.2 matapos ang dalawang linggong pagiral ng ECQ sa NCR plus, mas mababa ito sa naitalang 1.53 na reproduction rate nitong Lunes.
Ani David, posible pa ring mapababa ito kahit isailalim sa MECQ ang Metro Manila.
Una rito, inihayag ng malakaniyang na posibleng ikunsidera ang papapatupad ng MECQ sa NCR matapos ang dalawang linggong ECQ.