Inaasahang maibaba na sa moderate risk classification ng COVID-19 ang National Capital Region (NCR) sa susunod na linggo.
Ayon sa OCTA Research Group, bumaba na sa high risk classification ang rehiyon mula sa “severe outbreak” noong nakaraang linggo.
Ang seven-day average cases sa NCR ay bumaba sa 6,280 mula January 19 hanggang 25 mula sa 15,782 nitong January 12 hanggang 18.
Bumulusok rin ang one-week average daily attack rate (ADAR) sa 44 nitong January 19 hanggang 25 mula sa 111 noong January 12 hanggang 18.
Habang naitala naman ang 0.71 na reproduction rate sa NCR, mula sa 2.06 noong nakalipas na linggo.