Itinuturing na “Prime Candidate” ang National Capital Region para sa pagbabalik ng face-to-face class sa lahat ng degree programs sa tertiary level.
Ito’y ayon sa pahayag ni Commission on Higher Education (CHED) Chairman Popoy De Vera na pinag-aaralan na ang posibilidad na pahintulutan ang Higher Education Institution (HEIS) sa Metro Manila na magsagawa ng face-to-face learning oras na aprubahan ng IATF.
Aniya, malaki ang posibilad na maibalik ang naturang klase kung tataas ang vaccination rate ng mga estudyante at faculty ng mga paaralan.
Samantala, muling umapela ang CHED sa IATF kaugnay sa 180 na kolehiyo sa bansa na palawigin ang limited face-to-face classes sa iba pang degree programs. —sa panulat ni Airiam Sancho