100% nang handa ang NCRPO o National Capital Region Police Office sa kanilang gagawing pagbabantay sa pangalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Lunes, Hulyo 24.
Sa press briefing sa Camp Crame, sinabi ni NCRPO Chief Police Director Oscar Albayalde na magpapakalat sila ng anim na libo at tatlong daang pulis (6,300), 4:00 pa lamang ng madaling araw sa Lunes at ipo-poste ang mga ito sa walong pangunahing lugar malapit sa Batasan Pambansa.
Pero, ngayong Sabado at Linggo pa lamang aniya magde-deploy na rin sila ng skeletal force malapit sa Batasan.
Ayon pa kay Albayalde, nasa full alert status pa rin ang NCRPO kasabay ng pagtitiyak na wala silang namo-monitor na anumang banta sa SONA ng Pangulo.
- Meann Tanbio