May inilatag ng seguridad ang National Capital Region Police Office at Presidential Security Group sakaling manood si Pangulong Rodrigo Durete ng Miss Universe pageant sa Lunes, Enero 30.
Sinabi ni NCRPO Chief Police Director Oscar Albayalde na bagamat wala pang kumpirmasyon si Pangulong Duterte kung dadalo siya sa coronation day, may nakalaan ng upuan para rito.
Dagdag pa ni Albayalde, hindi rin tiyak kung manonood si PNP Chief Director General Ronald Dela Rosa.
Hindi naman manonood ng Miss Universe pageant si Vice President Leni Robredo dahil hindi siya imbitado.
By: Mheann Tanbio / Jonathan Andal