Kuntento si National Capital Region Police Office o NCRPO Chief Director Oscar Albayalde sa inilatag nilang seguridad para sa 31st ASEAN Summit.
Ayon kay Albayalde, naging maayos at mapayapa naman ang pagdaraos ng naturang pulong ng mga heads of state maliban na lamang sa tangkang panggugulo ng mga raliyista na napigilan naman aniya ng mga awtoridad.
“Natapos yung ating ASEAN, naging successful sa gobyerno at ang pag-provide ng ating security ay naging successful din po, everything went smoothly and everything went according to plan.” Ani Albayalde
Kasabay nito, pinasalamatan ni Albayalde ang publiko sa kooperasyon at suporta ng mga ito sa Pambansang Pulisya.
“Sa ating mga kababayan, taos puso po tayong nagpapasalamat sa dasal at sa suporta, sa pagiging vigilant at pagiging observant natin, walang nangyaring anumang karahasan sa naganap na ASEAN, sana ipagpatuloy natin ang pagsuporta sa ating Kapulisan, patuloy po tayong maging alerto para maiwasan ang anumang karahasan sa ating mga lugar partikular dito sa Metro Manila.” Pahayag ni Albayalde
(DWIZ Connect Interview)