Inanunsyo ni Pangulong Duterte ngayong araw na si NCRPO chief Oscar Albayalde ang susunod na hepe ng Pambansang Pulisya.
“I’m going to announce it now, kung sino ang sunod na PNP chief, it’s Albayalde” ang pahayag ng Pangulo.
Papalitan ni Albayalde si Police Director General Ronald Dela Rosa na nakatakda sanang magretiro noong Enero 21, sa mandatory retirement age na 56, ngunit pinalawig pa ng Pangulo ang kanyang serbisyo.
Albayalde, nagpasalamat kay Pangulong Duterte
Nagpasalamat naman si Albayalde kina Pangulong Duterte at kay PNP chief Ronald Dela Rosa dahil sa ipinakitang suporta at tiwala sa kanya.
Dagdag pa ni Albayalde, gagampanan niya nang maayos ang kanyang trabaho at isasakatuparan ang mga adbokasiya ng Pangulo.
NCRPO chief Oscar Albayalde sa anunsyo ng Pangulong Duterte na siya na ang susunod na PNP chief: Syempre very much elating at thankful unang una sa Diyos, sa presidente at kay chief PNP for giving trust and confidence in me @dwiz882 (file photo) pic.twitter.com/WbDVCF94L6
— Jonathan Andal (@JonathanAndal_) April 5, 2018
Albayalde kay PNP chief Dela Rosa: I would like to thank him sa kanyang suporta. Hindi niya alam na malaking bagay yung pag-e-endorse niya sa akin sa ating presidente. So I want to thank him from the bottom of my heart at ibinigay din niya yung tiwala niya sa akin.
— Jonathan Andal (@JonathanAndal_) April 5, 2018
Albayalde kay Pangulong Duterte: Thank you to the president, really. Wala akong masabi kundi maraming, maraming salamat. I will continue to serve the Filipino people.
— Jonathan Andal (@JonathanAndal_) April 5, 2018