Pormal nang itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si NCRPO chief director Oscar Albayalde bilang bagong hepe ng Philippine National Police.
Inilabas ng Palasyo kahapon ang appointment paper ni Albayalde na may lagda ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Dahil dito, papalitan ni Albayalde si PNP chief Ronald ‘Bato’ dela Rosa na itatalaga naman bilang pinuno ng Bureau of Corrections.
Matatandaang Enero nang sumapit ang retirement age ni dela Rosa ngunit pinalawig ng Pangulong Duterte ang tungkulin nito bilang PNP chief habang hindi pa ito nakakapili ng kapalit.
Samantala, sinabi naman ni Albayalde na sa ngayon ay nakatutok pa siya sa kanyang tungkulin bilang NCRPO chief.
#ICYM
Appointment paper ni NCRPO chief Oscar Albayalde bilang sunod na hepe ng Pambansang Pulisya, inilabas na ng Malacañang pic.twitter.com/hhuqgWOaUi— DWIZ Newscenter (@dwiz882) April 13, 2018