Sinibak na sa serbisyo ang 10 pulis na nakadestino sa National Capital Region Police Office (NCRPO), na sangkot sa iba’t-ibang kaso.
Sinasabing dawit ang mga ito sa iligal na pag-aresto, arbitrary detention, at pagnanakaw sa 4 na babaeng Chinese sa isang Philippine Offshore Gaming Operator o POGO sa Parañaque noong nakaraang Setyembre
Kabilang sa mga tinanggal sa serbisyo sina Lieutenantt. Colonel Jolet Tutor Guevara, Major Jason Domingo Quijana; Major John Patrick Oxales Magsalos; Captain Sherwin Clete Limbauan;
Executive Master Sergeant Arsenio Valle, Corporal Rexes Claveria, at Staff Sergeants Roy Pioquinto, Mark Democrito, Danilo Desder at Christian Corpuz.
Epektibo ang dismissal order ng mga ito noon pang February 12, at nahaharap sa mga kasong grave misconduct, grave irregularity in the performance of duty, less grave neglect of duty, grave neglect of duty at conduct unbecoming of a police officer.- sa ulat mula kay Agustina Nolasco ( Patrol 11).