Nakipag-diyalogo si NCRPO acting Director Brig. General Debold Sinas sa mga pulis na nakatalaga sa Baseco Police Community Precinct sa Maynila.
Batay sa ipinalabas na pahayag ng NCRPO layunin ng pakikipag-usap ni Sinas sa mga Baseco Police ang makakuha ng detalye hinggil sa pagkakasangkot na ilan nilang kabaro sa kaso ng kidnapping at insidente ng pangingikil.
Nagsilbi rin anila itong paraan para malaman at matugunan ang mga pangangailangan ng komunidad gayundin ang maisalalim sa assessment ang ibinibigay na serbisyo ng Baseco police presinct.
Magugunitang, nitong nakaraang Huwebes, Nobyembre 14, 4 na pulis mula Baseco Police Community Precinct Station-5 ang inaresto dahil sa umano’y pangingikil ng pera sa asawa ng isang drug suspect kapalit ng kalayaan nito.
Kaugnay nito, muli namang pinaalalahanan ni Sinas ang lahat ng tauhan ng Baseco PCP hinggil sa ipinatutupad na “no-take policy” ng NCRPO kasabay ng paggigiit na kakasuhan at masisibak puwesto ang pulis na mapatutunayang nasangkot sa mga iligal na aktibidad.