Nanindigan ang National Capital Region Police Offic o NCRPO na lehitimo ang ikinasang operasyon ng mga otoridad sa tanggpan ng grupong BAYAN sa Tondo, Maynila.
Sinabi ni NCRPO Director Police Brigadier General Debold Sinas na sinamahan ng MPD ang CIDG para isilbi ang hawak nitong search warrant.
Nilinaw ni Sinas na hindi nila pinag iinitan ang mga lider militante dahil tumatalima lamang sila sa utos ng korte bunsod ng reklamong pag iingat ng armas laban sa grupo.
Naaresto sa naturang operasyon sina Ram Carlo Bautista na Manila campaign director ng BAYAN, Alma Moran ng Manila Workers Unity secretariat at Ina Nacino, Kadamay Manila coordinator. — ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9).