Naka-full alert na NCRPO para sa APEC Summit.
Dahil dito, sinabi ni NCRPO Spokesperson Chief Inspector Kimberly Molitas na kanselado ang leave at day off ng mga pulis sa Metro Manila at ang buong pwersa ng NCRPO ay naka-stand by para sa deployment.
Tiniyak ni Molitas na secured na ang 16 na hotels na tutuluyan ng mga delegado at tatlong venues na pagdarausan ng APEC, ang MOA Arena, PICC at World Trade Center.
Sa ngayon, mayroong 18,000 pulis ang nasa pamamahala ng NCRPO.
By Meann Tanbio | Jonathan Andal