Itataas sa full alert status ang seguridad ng National Capital Region Police Office o NCRPO sa darating na Semana Santa.
Ayon kay NCRPO Chief Police Major General Guillermo Eleazar, mula sa heightened alert ay ikakasa nila ang full alert status sa kasagsagan ng Semana Santa lalo na’t inaasahan na nila ang pagdagsa ng mga tao sa mga bus terminal na magsisi-uwi sa kanilang mga probinsya.
Tututukan din aniya nila ang mga simbahan na pupuntahan bilang bahagi ng Visita Iglesia pati na rin ang mga kabahayan na pansamantalang iiwan ng mga uuwi sa kani-kanilang probinsya.
Maglalagay din aniya sila ng karagdagang tauhan sa police assistance desk para tumulong at gumabay sa publiko at mga motoristang maglalakbay para sa Holy Week break.
Dagdag pa ni Eleazar, patuloy ang kanilang isinasagawang simulation exercises bilang paghahanda sa darating na Semana Santa kahit pa wala silang nakikitang banta sa seguridad sa Kamaynilaan.
—-