Handa nang i-deploy ng National Capital Regional Police Office o NCRPO ang kanilang Civil Disturbance Management at Human Rights Officers para sa pagdiriwang ng araw ng paggawa o Labor Day sa Linggo.
Ayon kay NCRPO Chief, Director Joel Pagdilao, ipinag-utos na niya ang pagdaraos ng mga seminar hinggil sa Batas Pambansa 880 o public assembly, police operational procedures at iba pang bagay na may kinalaman dito.
Paliwanag ni Pagdilao, ito’y hindi lamang para sa Labor Day kundi bilang paghahanda na rin para sa nalalapit na halalan sa Mayo 9.
By Jelbert Perdez