“All Systems Go” na ang National Capital Region Police Office para sa pagdagsa ng mga bibisita sa mga sementeryo sa Undas.
Ayon kay NCRPO chief, Dir. Oscar Albayalde, bukod sa mga sementeryo ay tinututukan nila ang lahat ng transport terminal sa buong Metro Manila lalo’t patuloy ang pagdagsa ng mga pasaherong mag-uuwian sa mga probinsya.
Pinayuhan naman ni Albayalde ang mga bakasyonista na maging maingat at tiyaking naka-sara ang kanilang mga bahay o may bantay upang makaiwas sa mga kawatan.
Samantala, tiniyak din ng opisyal ang seguridad ng mga delegado ng ASEAN Summit sa Nobyembre habang inabisuhan ang mga motorista na iwasan ang ilang lugar na pagdarausan ng event.