Tiniyak ng National Capital Region Police Office o NCRPO ang seguridad sa mga lugar na nagdiriwang ng pista ng Senyor Sto. Niño ngayong araw.
Gayunman, sinabi ni NCRPO Chief Director Oscar Albayalde na kanilang tinututukan ang Tondo at Pandacan sa Maynila na kilalang may malaking pagdiriwang ng nasabing pista.
Binigyang diin ni Albayalde na kanila lamang gagamitin ang kaparehong seguridad na kanilang ipinatupad sa Traslacion ng itim na Nazareno nuong Enero 9.
By: Jaymark Dagala