Aabot sa mahigit 9,600 mga pulis ang ipakakalat sa buong Metro Manila para sa pagsisimula ng uniformed curfew hours sa Lunes, Marso 15.
Ayon kay PNP Officer – In – Charge P/LtG. Guillermo Eleazar, batay sa konsultasyon kay PNP Chief P/Gen. Debold Sinas, kaniyang inaatasan ang NCRPO na manguna sa deployment ng kanilang mga tauhan.
Maliban dito, may ipakakalat din ang mga tauhan mula sa Highway Patrol Group gayundin ang standby reactionary support force para umalalay sa pagbabantay.
Ayon kay Eleazar, aabot sa 373 checkpoints ang ilalatag sa iba’t ibang strategic areas sa ncr habang may iba pang iikot para tiyakin ang seguridad at kaayusan lalo na sa mga itinuturing na high risk areas.
Magsisimula ang curfew hours tuwing alas-10 ng gabi na tatagal naman hanggang ala singko ng umaga kinabukasan mula Marso 15 hanggang 31 ng buwang kasalukuyan.