Inihayag ng National Capital Region Police Office nasa mahigit 18K public and security forces ang idedeploy para sa inagurasyon ni President Elect Ferdinand Bongbong Marcos Jr. sa Hunyo 30.
Ayon kay NCRPO Spokesperson Police Lieutenant Colonel Jenny Tecson, nasa 13,846 NCRPO personnel, 1,061 personnel mula sa Philippine National Police Support Units, 3,342 personnel mula naman sa Allied Agencies and Force Multipliers.
Ipinabatid naman ni Police Major General Valeriano De Leon sa DWIZ na wala pa naman silang natatanggap na serious threat para sa naturang inagurasyon.
Samantala, hinimok naman ng PNP ang mga nais magprotesta laban kay marcos na wag na ituloy ngunit kung ito’y hindi magpapapigil ay papayagan silang magdaos nito sa mga freedom parks ng lungsod.
Maliban dito, tinukoy rin ni De Leon ang mga lugar na maaari lamang pagdausan ng rally sa lungsod.
Nanawagan naman si De Leon sa publiko na irespeto at igalang ang isasagawang inagurasyon dahil buong mundo ang nakasubaybay dito.