Ipinagtanggol ng National Capital Region Police Office ang mga kawani ng Manila Police District na namaril sa hostage taker sa isang bus sa Taft, kahapon.
Ayon kay NCRPO Dir. Police Chief Supt. Joel Pagdilao, tactical decision ng mga opisyal ng Manila Police District ang agarang pagbaril sa suspek, dahil nakita ng mga ito na nanganganib ang buhay ng biktima.
Una nang kinuwestyon ang mabilis na pagpatay sa suspek, matapos sabihin ng ilang saksi na ballpen lang ang armas nito.
By: Katrina Valle |Jonathan Andal