Itinanggi ng NCRPO o National Capital Region Police Office ang ulat na ISIS ang may kagagawan sa pambobomba sa Quiapo noong Biyernes na ikinasugat ng 11 katao.
Itoy matapos akuhin ng International TERRORIST group sa kanilang news outfit na Amaq News Agency ang nasabing pagsabog.
Ayon kay NCRPO Chief, Police Director Oscar Albayalde, hindi ito dapat paniwalaan hanggat walang naipapakitang ebidensya ang ISIS na sila ang responsable sa insidente.
Maraming beses na kasi anya na inaako ng ISIS ang ilang katulad na kaso sa ibat ibang panig ng bansa para lang makakuha ng atensyon.
Kasunod nito, nilinaw ni Albayalde na walang ISIS sa Metro Manila at nanindigan sa kanilang imbestigasyon na gang war ang sanhi ng pambobomba sa Quiapo.
By: Jonathan Andal