Kumpiyansa ang National Capital Region Police Office o NCRPO na magiging tahimik at mapayapa ang kauna-unahang pag-uulat sa bayan ni Pangulong Rodrigo Duterte
Ayon kay acting NCRPO Director C/Supt. OSCAR Albayalde, inaasahan nila na kakaunti o walang magkakasa ng mga mararahas na pagkilos sa mismong araw ng SONA sa Hulyo 25.
Gayunman, sinabi ni Albayalde na naglatag na sila ng mga contingency measures sakaling payagan ng Pangulong Rodrigo Duterte ang mga militanteng grupo na makapasok sa gallery ng Batasang Pambansa
Kasunod nito, sinabi ni Albayalde na maghaharang pa rin sila ng mga container van upang hindi makapasok ang mga progresibong grupo at may ise-set up ding command center ang Quezon City Police District sa Commonwealth Avenue hinggil pa rin sa SONA
By: Jaymark Dagala