Magsasagawa ng sorpresang pagbisita sa mga simbahan at mga pampublikong lugar ang NCRPO o National Capital Region Police Office.
Ayon kay NCRPO Director Oscar Albayalde ito ay matapos niyang ipag utos ang mas mahigpit na pagbabantay sa mga nabanggit na lugar gayundin ang pagpapakalat ng sapat na bilang ng mga pulis.
Nais umano niyang tiyakin na nasusunod ng kanyang nasasakupan ang naturang utos upang siguruhin ang kaligtasan ng mga publiko lalo na ng mga dumadalo sa simbang gabi.
Dagdag pa ni Albayalde na magiging katuwang din sa pagbabantay ang kanilang special reaction units sa mga critical at crime prone areas.