Nagpaalala ang National Capital Region Police Office (NCRPO) sa mga politiko sa bansa, kasabay ng nalalapit na pagdaraos ng 2022 election.
Ayon kay NCRPO spokesperson police Lieutenant Colonel Jenny Tecson, dapat maging responsable ang mga ito sa pagpapatupad ng health protocols kontra COVID-19.
Pag-amin pa ng opisyal, marami silang natatanggap na sumbong hinggil sa hindi tamang pagsusuot ng facemask gayundin ang walang distansya sa bawat kampanya.
Kaya naman pakiusap ng NCRPO na huwag ilagay sa alanganin ang kalusugan at kaligtasan ng kanilang mga tagasuporta
Maliban sa pagbabantay sa krimen tuwing halalan, patuloy din ang paalala na NCRPO sa mga hindi sumusunod sa health protocols.—mula sa ulat ni Jaymark Dagala sa panulat ni Abby Malanday