Nagbigay ng paalala ang National Capital Region Police Office (NCRPO) sa publiko kaugnay sa paggunita ng Undas.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni NCRPO spokesperson Police Lieutenant Colonel Dexter Versola, na sa kanilang pagbisita sa ilang mga sementeryo ay marami nang nakumpiskang matutulis na bagay ang mga otoridad.
Kabilang aniya sa mga ipinagbabawal dalhin sa loob ng sementeryo ang mga nakalalasing na inumin, gamit pang-sugal at speakers.
Sinabi pa ni Versola na maliban sa mga police personnel, ay mayroon ding mga force multipliers upang tiyakin ang seguridad ngayong panahon ng Undas.
Sa ating mga kababayan, mainam po ng mga protective gear against sa inclement weather..ngayon parang maaraw na so maganda po na magdala na sila ng payong against sa araw at mainam na rin po na magdala sila ng sapat ng pagkain at tubig at ok din po sana na magdala na rin sila ng trash bags para hindi na rin po magdagdag ng mga lilinisin pa sa mga sementeryo.
Ang mensahe ni NCRPO Spokesperson Police Lieutenant Colonel Dexter Versola sa mga pupuntang sementeryo ngayong Undas 2022.