Binilinan ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Oscar Albayalde ang mga residente ng Metro Manila na magba-bakasyon sa mga lalawigan ngayong Semana Santa.
Ayon kay Albayalde, dapat tiyakin ng publiko na sarado maging ang kaliit-liitang pintuan o bintana nang iiwanang bahay.
Kadalasan aniyang ginagamit ng mga kriminal ang mga bata na ipinapasok sa mga bahay na walang tao sa pamamagitan ng mga maliit na butas bago sila pagbuksan sa mismong main door.
Sinabi ni Albayalde na uubra rin naman aniyang ipagbilin ang bahay sa pinagkakatiwalaang tao o kapit-bahay.
Tiniyak naman ni Albayalde na sapat ang mga tauhan ng NCRPO at tanging ang mga importanteng emergency leave lamang ang pinapayagan nila para matiyak ang ligtas at payapang paggunita sa Semana Santa.
—-