Nagsagawa ng inspeksyon si National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Guillermo Eleazar sa magiging ruta ng prusisyon ng Itim na Nazareno.
Kasunod ito ng paglalabas ng opisyal na ruta para sa transalacion na magsisimula sa ganap na alaskwatro ng umaga sa Quirino Grandstand.
Nag-ikot si Eleazar sa mahigit 20 kalsada na dadaanan mula sa Quirino Grandstand sa Luneta hanggang sa simbahan ng Quiapo bilang bahagi ng paghahanda sa traslacion.
Ecowaste coalition umapela sa mga deboto ng Black Nazarene
Umapela ang Ecowaste Coalition (EWC) sa mahigit dalawang milyong debotong lalahok sa traslacion ng Itim na Nazareno na huwag magkalat at mag-iwan ng tone-toneladang basura pagkatapos ng pagdiriwang.
Sinabi ni EWC coordinator Aileen Lucero na huwag gawing “trashlacion” ang naturang pagdiriwang at maging responsable ang mga deboto sa pagtatapon ng kanilang mga basura.
Kung maaari aniya ay i-uwi na lamang o di kaya’y itapon sa mga garbage bag ang kanilang mga basura.
Ito’y upang hindi na rin maulit ang nangyari sa mga nakalipas na taon kung saan tone-toneladong basura ang hinahakot ng mga truck ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) tuwing idinaraos ang traslacion.