Tututukan ng mga tauhan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang 80 sementeryo at 24 na kolumbaryo sa Metro Manila sa nalalapit na Undas 2022.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni NCRPO Spokesperson Police Lieutenant Colonel Dexter Versola na kasama rin dito ang mga simbahan, terminal, malls at iba pa.
Maglalagay aniya rito ang ahensya ng rolling police stations o mobile na presinto.
Nabatid na una nang inilunsad sa Southern Police District ang nasabing istasyon.
Sa kasalukuyan, may pitong units nito na nakatalaga sa strategic areas sa gitna ng pagbubukas ng face-to-face classes at pagbigat ng daloy ng trapiko.
Samantala, sinabi ni versola na nasa dalawang pulis ang magbabantay sa bawat rolling police stations.
Ang pahayag ni NCRPO Spokesperson Police Lieutenant Colonel Dexter Versola, sa panayam ng DWIZ