Nagpasalamat ang National Capital Region Police Office o NCRPO sa publiko dahil sa pagiging alerto nito sa pagbibigay-alam sa mga pulis hinggil sa mga potensyal na bomba.
Sinabi ito ng NCR Police Office kasunod ng naiulat na tatlong pinagsuspetsyahang bomba na inireport sa PNP na explosive ordinance disposal ng isang concerned citizen noong Miyerkules, Enero 11.
Ayon kay NCR Police Office Chief Oscar Albayalde, biro man o totoo, dapat na ireport ng publiko sa kanilang mga pulis ang anumang bagay na kahina-hinala.
Matatandaang noong Nobyembre, isang improvised explosive device ang nakita malapit sa US Embassy sa Maynila pero na-detonate din dahil agad na inireport.
By: Avee Devierte / Allan Francisco