Arestado ang higit limampung (50) indibidwal mula sa Islamic Center sa Palanca Street, Quaipo, Maynila.
Kasunod ito ng isinagawang joint operation ng National Capital Region Police Office, Manila Police District, Special Weapons and Tactics Team at Explosives Ordinance Unit ng Philippine National Police laban sa banta ng Maute Group.
Dinala ang mga naarestong indibwal sa MPD station para sa verification at profiling.
Unang nang ipinahayag ng Malakanyang na hindi nila pinapawi ang posiblidad na may ilang miyembro na ng Maute Group dito sa Metro Manila para magtangkang maghasik ng terorismo sa gitna ng pagdiriwang ng pista ng Itim na Nazareno.
By Rianne Briones