Naka-heightened alert na ang National Capital Region Police Office o NCRPO matapos ang nangyaring mga pagsabog sa Sultan Kudarat.
Ayon kay NCRPO Chief Police Director Guillermo Eleazar, layon nitong hindi mangyari sa Metro Manila ang nangyaring pambobomba sa Isulan.
Sa ilalim ng heightened alert, paiigtingin ang crime prevention sa kalakhang Maynila.
Sa ngayon, tiniyak ni Eleazar na wala silang natatanggap na anumang bantang panseguridad sa NCR.
—-