Minamanmanan na ng National Capital Region Police Office o NCRPO ang mga eskwelahan sa Metro Manila kung saan sinasabing nagaganap ang recruitment CPP-NPA.
Ayon kay NCRPO Chief Guillermo Eleazar , nagbabantay ang kanilang mga tauhan sa labas lamang ng mga paaralan at hindi naman pumapasok ang mga ito.
Kasabay nito tiniyak ni Eleazar na hindi naman sila basta-basta mag-aaresto hangga’t wala namang nagagawang krimen o panggugulo ng mga sinasabing grupo na nagre-recruit sa mga estudyante.
Una rito, tinukoy ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang labing walong (18) paaralan sa Metro Manila na kabahagi umano ng ginagawang recruitment ng komunistang grupo.
(Ulat ni Jill Resontoc)