Sinimulan na ng National Capital Region Police Office o NCRPO ang pagpapakalat sa kanilang mga tauhan sa mga matataong lugar ngayong papalapit na ang Pasko.
Ayon kay NCRPO Chief Director Oscar Albayalde, ito’y para tiyakin ang kaligtasan at seguridad ng Metro Manila ngayong inaasahan na ang pagdagsa ng publiko dahil sa Christmas rush.
Partikular aniyang popostehan ng kanilang mga tauhan ang mga simbahan lalo na sa pagsisimula ng Simbang Gabi gayundin ang mga vital installations tulad ng MRT, LRT, mga terminal ng bus, pantalan at mga shopping malls.
Kasunod nito, sinabi ni Albayalde na bagama’t wala silang namomonitor na anumang banta sa seguridad sa Metro Manila, hindi aniya sila titigil sa pagbabantay lalo pa’t may mga posibilidad na masalisehan sila ng mga masasamang element.
—-