Nakaalerto na ang buong hanay ng National Capital Region Police Office o NCRPO sa pagsisimula ngayong araw ng pangangampanya ng mga kandidato sa barangay at Sangguniang Kabataan elections.
Ayon kay NCRPO Chief Director Camilo Cascolan, nakakalat na ang mga tauhan nila sa lahat istasyon ng pulisya at mga barangay sa buong bansa.
Tuluy-tuloy rin aniya ang kanilang isinasagawang checkpoints sa gabi at ang kanilang ipinatutupad na election gun ban.
Dagdag pa ni Cascolan, mahigpit na binabantayan ng pulisya ang election watch list areas sa bansa.
“Meron report sa amin sa NCR na 63 daw po sa NCR, pero pinag-aaralan po nating mabuti at kino-coordinate rin natin sa COMELEC ang mga barangay na ‘yun pero ang lumalabas po lima lang po ang medyo area of concern natin dahil may mga nangyari pero hindi naman ganun ka-violent, mga sagutan lang.” Pahayag ni Cascolan
(Balitang Todong Lakas Interview)
Election hotspots in Southern Mindanao
Samantala, lumobo ang bilang ng itinuturing na election hotspots sa Southern Mindanao.
Dalawandaan at limampu’t isang (251) barangay sa Southern Mindanao ang itinuturing na areas of concern dahil sa mainit na labanan ng mga pamilyang kandidato sa eleksyon.
Gayunman, sa naturang bilang ay dalawandaan at apatnaput isa (241) rito ang di umano’y pinamumugaran ng mga rebelde.
Limampu’t apat (54) na barangay sa naturang bilang ang nasa Davao City, llimampu (50) sa Davao del Norte, 39 sa Davao del Sur, 27 sa Davao Oriental at tatlo sa Davao Occidental.
—-