Nakahanda na ang National Capital Region Police Office (NCRPO) para sa pananalasa ng bagyong Tisoy.
Ayon kay NCRPO Director Police Brig. Gen. Debold Sinas, maaga silang nakipag-ugnayan sa Philippine Coast Guard (PCG), mga Local Government Units at Local Disaster Risk Reduction and Management Offices.
Partikular na mahigpit na tinututukan ng NCRPO ang mga lugar na madalas bahain tulad ng Marikina, Taguig, Pateros, Pasay, Maynila at Camanava Area.
Kaugnay nito, inatasan na ni Sinas ang kanilang regional mobile force battalion na kasama ang iba pang unit ng NCRPO para ipakalat sa mga lugar na madalas bahain. — ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)