Handang handa nang tumulong ang National Capital Region Police Office (NCRPO) para mas mabilis at ligtas mai-deliver ang mga bakunang kontra COVID-19.
Ito’y matapos magsagawa ng simulation exercise ang mga awtoridad na mangangasiwa sa logistics ng mga bakuna sa oras na dumating ito sa bansa.
Ayon kay Police Maj. Gen. Vicente Danao Jr., mula sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), dadalhin ang mga bakuna sa Research Institute for Tropical Medicine na magiging centralized vaccine storage hub ng bansa, at dadalhin sa mga referral hospital sa metro manila para iturok sa mga priority list ng gobyerno partikular ang mga medical frontliner.
Dagdag ni Danao, hindi puwedeng magkamali sa paghahawak ng bakuna dahil sensitibo ang mga ito.
Samantala, hindi pa matiyak kung kailan ang eksaktong araw na darating ang bakuna ngayong buwan. — sa panulat ni Rashid Locsin.