Nanindigan ang National Capital Region Police Office (NCRPO) na walang naging lapses sa kanilang koordinasyon sa Bureau of Corrections (BuCor) kasunod ng pagkasawi ng middleman sa Percy Lapid Slay Case sa loob ng New Bilibid Prison (NBP).
Ayon kay NCRPO Chief, P/Brig. Gen. Jonnel Estomo, naging “smooth” o maayos ang imbestigasyon ng mga tauhan ng Special Investigation Task Group (SITG) hinggil sa naturang isyu.
Samantala, inamin ni Estomo na nabigo ang mga Pulis na atasan ang BuCor na i-secure ang seguridad ni Villamor matapos i-iulat ng naturang ahensya na walang nag-ngangalang Crisanto Villamor sa loob ng Bilibid pero mabilis ding natukoy na sa BuCor nakarehistro ang nasawing ”middleman’’ gamit ang pangalang Jun Villamor.
Iginiit rin ni Estomo na hindi maaaring basta-basta utusan ng pnp ang bucor dahil nasa ilalim ito ng Department of Justice (DOJ).