Nanawagan ngayon ang National Capital Region Police Office o NCRPO sa publiko na tigilan na ang pagpapakalat ng mga balita ukol sa umano’y mga nandudukot ng mga bata.
Iginiit ni NCRPO Chief Police Major General Guillermo Eleazar, na walang grupo na nangunguha sa Metro Manila na taliwas sa mga kumakalat sa social media.
Binigyang diin ni Eleazar na walang katotohanan ang naturang mga balita na lumilikha lang aniya ng alarma at takot sa publiko.
Matatandaang noong nakaraang buwan, nahuli sa Parañaque ang isang alyas Beth dahil sa tangkang pagdukot sa bata sa BF Homes.
Sinabi ng suspek na kabilang siya sa isang grupo na nangunguha ng mga bata sa ilang lugar sa Metro Manila, Bulacan at Laguna.
Gayunman, makalipas ang ilang linggo ay nag-iba na ang pahayag ni Beth.
—-