Pinaghahandaan na ng National Capital Region Police Office para sa anibersaryo ng Communist Party of the Philippines (CPP) sa Disyembre 26.
Ayon kay NCRPO Director P/BGen. Debold Sinas, nasa red alert status pa rin sila upang mailatag agad ang seguridad mula sa nagpapatuloy na Southeast Asian Games hanggang sa bagong taon.
Gayunman, tiniyak ni Sinas na wala pa silang namomonitor na anumang banta sa seguridad sa harap ng nasabing okasyon lalo’t nasabay din ito sa World Human Rights day.
Aniya, kanilang paiigtingin pa ang mga inilatag na checkpoints sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila lalo na’t kanila na ring inaasahan ang kaliwa’t kanang protesta ng mga maka kaliwang grupo sa mismong araw.—ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9).