Pinawi ni NCRPO o National Capital Region Police Office Chief Police Director Oscar Albayalde ang pangambang publiko na matulad sa sinapit ng 17-anyos na estudyante na napatay ng mga pulis sa drug raid sa Caloocan City.
Ipinaliwanag ni Albayalde na walang dapat ikabahala ang mga mamamayan dahil isolated aniya ang naturang insidente at hindi rin ito gawain ng mga pulis.
Kasabay nito, hinihikayat ni Albayalde ang mga mamamayan na isumbong ang mga abusadong pulis upang mapanagot ang mga ito.
Samantala, tiniyak naman ni Albayalde na maa-account ang mga baril sa sinasabing narerekober sa mga napapatay na drug suspects.
By Ralph Obina