Naitala ng Philippine National Police (PNP) National Capital Region ang pinakamalaking huli ng illegal drugs sa panahon ni Chief Supt. Joel Pagdilao bilang hepe.
Ito, ayon kay Chief Inspector Kimberly Molitas ang dahilan kayat ikinalungkot nila ang pagkakatukoy kay Pagdilao bilang isa sa mga heneral ng PNP na protektor ng illegal drugs syndicate.
Kaugnay nito, nanawagan si Molitas sa mga kapwa pulis na sangkot sa illegal drugs na magkusa nang isuko ang sarili at huwag nang hintayin pang arestuhin sila ng kanilang mga kapwa pulis.
Bahagi ng pahayag ni Chief Inspector Kimberly Molitas
Samantala, itinanggi ni Molitas na dahil sa pagkakasangkot sa illegal drugs ang dahilan ng reassignment ng 35 miyembro ng Anti-Illegal Drugs Division ng Quezon City Police sa Mindanao.
Ayon kay Molitas, normal naman sa kanilang mga pulis ang mailipat ng destino, anumang oras na ipag-utos ito ng headquarters.
Bahagi ng pahayag ni Chief Inspector Kimberly Molitas
By Len Aguirre | Ratsada Balita