Tatalima ang NCRPO o National Capital Region Police Office sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipatapon sa Basilan ang halos tatlong daang (300) pulis na iniharap sa Malacañang kahapon.
Sa panayam ng programang “Ratsada Balita”, sinabi ni NCRPO Director Chief Supt. Oscar Albayalde na bahagi ito ng internal cleansing sa hanay ng pulisya.
Karamihan sa kanila ay mayroong nakabinbing kaso gaya ng robbery, extortion, illegal detention, hulidap, absenteeism at iba pa.
PAKINGGAN: Bahagi ng pahayag ni NCRPO Director Chief Supt. Oscar Albayalde
Nilinaw din ni Albayalde na hindi tinataguriang scalawags ang mga naturang pulis bagamat mayroon silang kinakaharap na derogatory reports at hindi pa naman nahahatulang guilty.
PAKINGGAN: Bahagi ng pahayag ni NCRPO Director Chief Supt. Oscar Albayalde
By Meann Tanbio | Ratsada Balita (Interview)