Hinigpitan pa ng National Capital Region Police Office o NCRPO ang kanilang pagbabantay sa mga sementeryo, simbahan, paliparan at bus terminal ngayong Araw ng mga Patay.
Kabilang sa tinututukan ng NCRPO ang 82 sementeryo, 21 kolumbaryo at 182 simbahan.
Binabantayan din anila ang 75 bus terminal, dalawang pantalan at apat na paliparan.
Ayon kay NCRPO Spokesperson Chief Inspector Kimberly Molitas, nagpakalat na sila ng mahigit 5,000 pulis para magbantay ng seguridad sa mga nabanggit na lugar.
—-