Ipinagmalaki ng NCRPO o National Capital Regional Police Office na walang naitalang insidente ng pandurukot sa Divisoria simula noong Disyembre 16.
Ayon kay NCRPO Head Director Oscar Albayalde, magandang balita ito dahil taun-taon ay matindi ang mga insidente ng snatching sa Divisoria kapag panahon ng kapaskuhan.
Sinabi ni Albayalde na malaking tulong ang pagdaragdag ng police visibility sa lugar.
By: Meann Tanbio